Friday, July 31, 2009
STEPS
DAY 1:
Orientation and the likes. Wala ako masyado nagawa kasi may class ako ng 2-5. Yung ate na in-add ko sa multi kasi magaling magsulat ay nagtatrabaho din sa STEPS, si ate Ina. Nagtime-in ako ulit nung 3 kasi maaga kami natapos sa IT102L. Pagbalik ko, may codes na si Fye at Lian.
DAY 2:
Nowhere to be found si Sir Jun... NOT!
Dumating si Sir after lunch. So nahiya naman ako umalis sa office kasi kakarating niya lang. Wala naman siya pinagawa kasi may commotion sa STEPS kanina na I'd rather not mention. At dahil lonely ako kanina dahil si Lian at si Fye ay wala, sinamahan ako ni Ate Ina hanggang sa Mcdo. May nakilala akong mga bagong tao dahil bago ako sa steps. Si Kit, si Midle, si Rodel, si Danielle mga TomWeb people sila at nung dumating ako kasi dun ako naglunch sa table kasi may tao sa pantry at eto ang nangyari...
Kit: "Hi ate, new member ka?"
Shainee: "Ay hindi, trainee ako dito. Anung name mo?"
Kit: "Kit."
Shainee: "Ah ok, ako si Shaine."
Dumating yung Dom... Deadma. Di kami close e. After few minutes dumating si Midle...
Midle: "Ate anung pangalan mo?"
Shainee: "Shaine. Ikaw?"
Midle: "Midle"
Shainee: "Middle?"
Midle: "Midle"
Shainee: "Miguel?"
Dumating si Sir Jun ng may dalang madaming clubhouse at pinilit kaming kumuha ng pagkain dun sa room sa labas. Napilitan tuloy kami lumabas at kumain. I hate Mayo! Pero syempre, nakakahiya naman tumanggi kasi pang-ilang beses na kami inaalok kaya sapilitan kong nilunok ang tinapay na may mayonnaise. Eww! Inom ako agad ng tubig.
Midle: "Eh anung year mo na?"
Shainee:"Fourth year" *at nafeel ko ang pagiging ate, bongga!*
Midle: "EOC ka?"
Shainee: "Ha??? Wala akong yosi! Muka ba akong nagyoyosi?"
Midle: *di umimik and then nagkaroon ng awkward silence... nakakahiya! hindi lang malabo ang mata ko... bingi din ako! =)) **
Midle: "Busog pa ako eh. Kakakain ko lang kasi ng lunch."
Shainee: "Ako din eh. Kakakain ko lang"
Ate Ina: "Sige na kuha na kayo."
biglang umeksena si Rodel...
Rodel: "Ate anung name mo?"
Shainee: "Shaine. Ikaw?"
Rodel: "Rodel. EA ka ba?"
Shainee: "Ha? Anu un?"
Rodel: "Ah ok. So hinde."
Kwentuhan mode naman kaming tatlo. Walang ginagawa kasi busy si Sir Jun. Hinihintay ko siyang turuan ako sa image verification kasi tuturuan daw niya ako kaso something came up so ayun, di natuloy.
Dumating si Danielle...
Danielle: "Hi Ate."
Shainee: *wave*
Midle: "Hindi sya TomWeb ah, OJT siya dito"
Shainee: "Anung name mo?"
Danielle: "Danielle. Ikaw ate?"
Shainee: "Shaine."
Ayun. Kwentuhan na rin kaming tatlo kasi wala akong magamit na PC. Naglalaro si Yui sa PC na may wamp.
Lahat naman sila mabait maliban na lang dun sa "2 taga-eng at isang taga cfad". Nga pala may cute na bata sa steps(cute as in ang sarap kurutin ng muka) na batang mukang grade 3 na si Yui. So ayun, may class na kami. Tambay sa baba with Katrine, Roan and kuya Jay. Okay naman ang araw ko. Tuwa naman ako. Pero hindi, sinira ng Thirdy na yan ang araw ko dahil sa Globe na yan! Alam mo yun? Unang-una, hindi naman ako anak ng may-ari ng bangko para magbigay ng ganun kalaking pera ng isang bagsakan. Pangalawa, dapat kasi hindi ka naglilinya kung isisingil mo sa iba yung bill mo. At pangatlo, ayoko sa lahat, ikaw na nga may kelangan, ikaw pa galit at nagmamadali. Sarap sapatusin ng muka!
Buti na lang binawi din ni Pia at Eurie ang kabwisitan ko dahil sa Korean stuff. I love them! ♥
11:35 AM
Wednesday, July 29, 2009
singing *모를까봐서 *
---------------------------------------------------
모를까봐서 아니 넌 다를까봐서
내 가슴이 시린 머리에 또다시
미치게 아프고 아리고 아릴까봐서
또 내가 원망을 이렇게 말할수 없어서
터질것 같은 내 마음이 가리워진다해도
사랑해 그대만을
---------------------------------------------------
Ito ang bagong kina-LSS-an ko ngayon. Pinanuod ko kasi ulit yung Frivolous Wife kagabi. Korean movie siya na ni-release nung 2008. Korean version daw ng "The Taming of the Shrew" ni Shakespeare. Na-realize ko maganda pala yung OST niya.
Labels: LSS
8:21 PM
Windy day...
Malamig ngayon no? Mahangin lang sa may amin. Di naman kasi umulan sa may UST lang. Recently, wala ako sa sarili. Wala din ako halos maramdaman. Sinisipon kasi ako, inuubo pa. I need a rest. Yung pet ko kasi, si Althea, pulubi na. At dahil wala akong alam na cheat para magkaroon ng limpak limpak na salapi sa PetSoc, kelangan ko bisitahin ang mga neighborhood ko isa-isa at paliguan ang mga pet na nilalangaw na. So nakakapagod humarap sa computer ng matagal. Naadik ako sa facebook. Sana di ko na sinimulan. Haha!
Pansin ko tuwing time ni sir Lintagers, malakas ulan. Sabi ni Jumi, galit daw kay sir Lintagers ang langit. Well, agree nmn ako dun. So, no comment? Haha!
Kumalam lang ang sikmura ko sa Jollibee with Katrine and Karl(?/di ko sure spelling. sori). Naglilinis na sila at andami-daming Chickenjoy na nakakalat sa counter nila, wala parin yung Chickenjoys namin!
12:54 AM
Friday, July 24, 2009
yosi...
hindi ko alam kung bakit ko naalala yung kwentong "yosi" nung grade 5 pa ako kanina. siguro dahil sa kwentong "drugs" ni fe kaya naikwento ko ito sa kanya. so anu ba ang kwento?
naranasan mo na ba ang paaminin ka sa kasalanang di mo naman ginawa? well, ito na nga yun...
nung grade 5 ako dahil walang susundo sakin dati galing school at takot na takot ang mama ko na mag-commute ako, umeksena ang school bus sa buhay ko. araw-araw akong late pumupunta sa so-called "meeting place" ng mga ibang sinusundo kasi nililibot ko pa yung buong school kasama ang mga kaklase ko sa loob pati yung mga bawal na places pinupuntahan din namin. one time, na-stuck ako sa paghihintay sa mga "latecomers" like me dun sa waiting shed sa gate 1 ng SMA. out of boredomeness, nag-joke ako sa driver na sumusundo sa kada uwian. parang ganito "kuya, penge piso bili ako yosi.." si kuya, walang imik. isusumbong na pala ako kay mother dear. hooooo! san ka pa! dahil nga late ako umuuwi at mejo mabarkada na ako nung time na yun, naniwala si mama. di ko rin naman siya masisi. ayun, napalo din ako ng walang kalaban-laban pero syempre, di pa rin ako umamin kasi wala naman ako aaminin... haha! di ko sinisiraan si kuyang driver ah, naalala ko lang talaga, pinagchagaan ako nun kahit araw-araw akong late sa umaga dahil super kupad ko kumain at super tagal ko umuwi hanggang sa mag-hs ako. kung ako yun, matagal nako naghanap ng ibang batang ihahatid at susunduin.
wala lang...
3:18 AM
LSS
------------------------------------------------------------------------------------
i wish you're my love
ijen negehlo wa yo
nado moleugeh sulleh ineh ohneuldo nan iluhkeh nan
ni appeh suhsungijiman sarang ggok malheh ya anayo
iluhkeh wonhago itneundeh youngwoneul yaksokhal dan han saram
geudeh janayo
------------------------------------------------------------------------------------
Labels: LSS
2:00 AM
Thursdays with JD...
So tama ang pagkaka-construct ng circuit. The thing is, weekly na lang ganyan at nagkakataon lang na sira lagi ang napupunta samin na mga gamit. Two weeks ago, breadboard ang problema. Ngayon naman ung 7400 & 7402 ung problema! Pakshit no? Eh di sana ang aga namin natapos. So nakakasira talaga ng araw ang mga ganung eksena sa classroom. Isama mo pa yung ibang groupmates ko na mga isnabero. May mabait din naman eh, mangilan ngilan lang, kaso pinainit talaga nung mga pakshit na epal na un ung araw ko. Buti nalang... Thursday.
Hmm... Reporting lang naman kanina about WideOut and all. Reporting, exercise, self-confidence, IT in Business, profit margin, team leaders - yan lang ang natatandaan kong sinabi ni JD kanina. Ayun. Pogi niya kanina kaso anu ba nangyari sa polo niya? Anyway, di naman kabawasan sa kagwapuhan niya yun so okay lang. 12 yrs... Haha!
1:36 AM